-- Advertisements --

(Update) Ilang oras mula ilagay sa Alert Level 2, itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) sa Alert Level 3 ang sitwasyon ng Taal Volcano sa Batangas.

Nangangahulugan ang nasabing alert status na nakapagtala na ang PHIVOLCS ng “increased volcanic activity” at mas malakas na pagsabog pasado alas-2:00 ng hapon na nagresulta sa pagkakaroon ng isang kilometrong ash column.

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang precautionary evacuation sa mga naninirahan sa Taal Volcano Island kahit pa oobserbahan din muna ang kondisyon ng bulkan sa susunod na 48 hours.

Ayon naman sa Batangas-Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, nasa 8,000 residente at mga turista ang inililikas bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Nararanasan na rin ang ashfall sa ilang bayan at lungsod malapit sa Taal kabilang ang San Nicolas, Balete, Talisay at iba pa.

Una rito, umabot sa 100 metro ang taas ng abo na unang ibinuga ng bulkan.