-- Advertisements --
Nakapagtala ang Phivolcs ng 175 volcanic earthquakes sa Taal volcano, sa loob lamang ng nakalipas na 24 oras.
Sa naturang bilang, 131 ang episodes ng volcanic tremor na tumagal ng isa hanggang 15 minuto.
May namataan ding moderate emission ng steam-laden plumes mula sa mga bitak nito, kung saan umabot ito ng taas na 80 hanggang 100 meters.
Patuloy ding mino-monitor ang sulfur dioxide (SO2) emission at ang pagtaas ng temperatura ng tubig sa main crater ng bulkan.
Maging ang pamamaga ng lupa sa lugar ay tinitingnan din ng mga eksperto, bilang batayan ng abnormalidad nito at posibilidad ng pagputok.
Sa ngayon, nananatili ang alert level 2 sa bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa volcano island.
















