Nagbuga ng “white steam-laden plumes” ang Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa 8 a.m. bulletin nito, sinabi ng Phivolcs na aabot ng hanggang 50 hanggang 100 ang plumes na ibinuga ng Taal Volcano.
Sa ngayon, nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 3 sa bulkan kaya pinapaalalahanan pa rin ang publiko na posibleng magkaroon pa rin ng “sudden steam-driven and even weak phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ash gall, and lethal volcanic gas expulsions” sa Volcano Island at mga kalapit na lugar.
Ayon pa sa Phivolcs, 153 volcanic earthquakes ang naitala, na nagpapakita lamang na mayroon pa ring magmatic activity sa ilalim ng Taal.
Gayunman, tinitiyak ng ahensya na patuloy silang nakabantay sa aktibidad ng Bulkang Taal at nangangakong kaagad ilalabas sa publiko ang anumang significant developments dito.