TUGUEGARAO CITY – Patuloy ang paglikom ng riders club Region 2 ng tulong para sa mga naapektuhan ng Taal volcano eruption.

Sinabi ni John Allam, regional coordinator ng Bantay Bayan Riders of the Philippines Cagayan Valley Chapter na inilunsad nila ang “T-shirt for a cause.”

Ayon sa kanya, nagbibigay sila ng mga T-shirts o stickers sa mga motorcycle riders kapalit ng cash o hygiene kits na ibibigay sa mga evacuees sa Taal eruption.

Sinabi ni Allam na posibleng sa susunod na linggo ay maipadala na nila sa Batangas ang ano mang tulong na kanilang malilikom.

Ayon pa kay Allam, una nang dinala ang tulong ng National Capital Region (NCR) Riders Club chapter sa Batangas kahapon.

-- Advertisement --