Humingi na ng paumanhin ang t-shirt designer ng rapper na si Jay-Z dahil sa batikos na natanggap nito.
May kaugnayan ito sa pagkalat ng larawan ng rapper na nakasuot ng t-shirt na may nakaguhit na Riyadha Mosque ng Lamu, Kenya.
Matapos na maipost ng T-shirt designer na si Zeddie Loky na isa ring Kenyan ay sinulatan ito ng Riyadha Mosque clericks at sila ay tila nainsulto sa nasabing larawan.
Bagamat na ikinokonsiderang bilang pribilihiyo para sa makasaysayang mosque at kaniyang founder na si Habib Swaleh ay nagiging masama na rin ang imahe nito kapag ang may suot nito ay nagtutungo sa mga bars.
Nakasaad sa sulat na dapat respetuhin ni Loky ang Mosque at tanggalin na ang nasabing design.
Ayon kay Loki na mayroong 20 itong ginawang t-shirt at nakiusap siya sa mga magsusuot na huwag magtungo sa mga bars kapag suot ang t-shirt bilang pagbibigay na rin ng respeto.