Nanalo sa kanyang ikaapat na termino ang kontrobersyal na si Syrian President Bashar al-Assad.
Sinasabing nakuha ni Assad ang 95.1% ng mga boto sa halalan kung saan umabot sa 78 percent ang turnout.
Dahil sa panalo, ipinagmalaki ng Syrian government na normal na gumagana ang kanilang bansa sa kabila ng mahigit isang dekada na rin na gulo kung saan libu-libong katao ang namatay.
Nasa kalahati rin daw ng popolasyon o nasa 11 million ang lumikas o kaya nawalan ng tahanan bunsod ng giyera
Ang panalo ni Assad ay hudyat naman ng dagdag pang pitong taon sa kapangyarihan.
Dahil dito, umaabot na sa anim na dekada na hawak ng kanilang pamilya ang pamamahala sa Syria.
Kung maalala ang kanyang ama na si Hafez al-Assad ay pinamunuan din ang Syria sa loob ng 30 taon hanggang sa siya ay mamatay noong taong 2000.










