sorsogon city
Sorsogon
-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Labis ang kasiyahan ng mga estudyante at magulang sa Sorsogon matapos magsagawa ng house to house recognition ang mga guro para sa mga outstanding at honor students ng School Year (SY) 2019-2020.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay 2019 “CSC” Awardee Dangal ng Bayan Michelle Rubio, ang naturang hakbang ay ideya ng principal ng paaralan para payagan ang mga guro na magbahay-bahay sa pagbigay ng mga award ng mga mag-aaral.

Layunin nito na maipadama sa mga kabataan na naging spesyal ang kanilang recognition day kahit nasa gitna ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) pandemic.

Nagdala rin aniya sila ng speaker at microphone para lalong maipadama sa mga estudyante ang pagtanggap ng kanilang awards kasabay ng pagtugtog ng graduation march.

Mismong mga magulang din ang nagsabit ng medalya at nagbigay ng certificate sa kanilang mga anak.

-- Advertisement --