-- Advertisements --
Tinalo ng Switzerland ang Cameroon 1-0 sa kanilang paghaharap sa Group G na nagpapatuloy sa FIFA World Cup sa Qatar.
Sa unang bahagi ng laro ay naging mahigpit ang laban ng ranked number 15 na Switzerland at ranked number 43 na Cameroon.
Ilang minuto matapos ang second half ay doon naipasok ni Breel Embolo ang nag-iisang goal ng Swiss team.
Nakapuntos na sana ang African side subalit naharang ang penalty kick ni Karl Toko Ekambi.