Nakatakdang bumisita sa Pilipinas bukas Pebrero 8 ang Foreign Affairs and Foreign Minister ng Swiss Confederation na si Ignazio Cassis.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs.
Ayon sa ahensya , sa pagdating nito sa bansa ay nakatakdang talakayin nina Cassis at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang mga usapin hinggil sa bilateral relations ng dalawang bansa sa nakalipas na 67 taon.
Pag-uusapan rin ng dalawang opisyal ang iba pang global at regional issues.
Isang araw lamang ang magiging pagbisita ng Swiss foreign diplomat sa Pilipinas at ito ay haharap ito sa iba pang matataas na opisyal ng Pilipinas.
Ito naman ang magiging unang pagbisita ni Cassis sa Pilipinas mula noong 2008.
Batay sa datos, aabot sa 15,000 na mga Pilipino ang naninirahan sa Switzerland.
Kinabibilangan ito ng mga IT professionals, engineering, medical at allied health sectors.