Nakatakdang bumisita bukas dito sa Plipinas si Swiss Federal Councillor for Foreign Affairs and Foreign Minister Ignazio Cassis para talakayin ang kasalukuyang estado ng bilateral relations ng PH sa Switzerland.
Kasabay naman ng pagmarka ng ika-67 taong diplomatic ties ng dalawang bansa, makikipagpulong si Cassis kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Maynila para sa isang araw na pagbisita nito.
Tatalakayin din ng 2 diplomats ang kanilang mga pananaw sa multilateral, regional at pandaigdigang mga isyu.
Makikipagpuling din amg Swiss foreign minister sa iba pang matataas na opisyal ng PH.
Bago nga ang pagbisita ni Cassis sa bansa bukas, nasa China siya ngayon mula pa kahapon para naman sa China-Switzerland Foreign Ministers’ Strategic Dialogue kasama si Chinese Foreign Minister Wang Yi.
Samantala, ang pagbisita ni Foreign Minister Cassis sa bansa bukas ay ang kauna-unahang pagkakataon mula noong 2008 nang huling bumisita ang isang Swiss Foreign Minister sa ating bansa.
Sa datos naman ng DFA, mayroong mahigit 15,000 Pilipino ang naninirahan sa kasalukuyan sa Switzerland kabilang ang mga professionals sa IT, engineering, medical at allied health sectors,