-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Wala munang magyayaring swimming classes sa Philippine Military Academy (PMA).

Ito ay matapos ipahinto ng pamunuan kasunod nang pagkalunod ng isang kadete sa loob ng akademya kahapon.

Si Cadet 4th Class Mario Telen, Jr. na taga-Cagayan Valley ay nakita na lamang na wala ng buhay sa malalim na bahagi ng swimming pool.

Sinabi ni PMA spokesperson Captain Cherryl Tindog kasalukuyang nagsasagawa ng masusing pagsisiyasat ang Baguio City Police upang malaman ang pinag-ugatan sa pagkamatay ng kadete.

Napag-alamang si Telen ang siyang pangatlong kadete na namatay sa military school kung saan una na nga rito ay si 4th class cadet Darwin Dormitorio ng dahil sa hazing at Cadet Second Class Cedrick Gadia ay namatay naman dahil sa cancer.