-- Advertisements --
Patuloy ang pamamayagpag ni Iga Swiatek ng Poland matapos magkampeon sa French Open ng talunin si Karolina Muchova ng Czech Republic.
Mula sa simula ng mga set ay dominado nito ang laro kung saan sa ikalawang set lamang siya nabigo 6-2, 5-7 at 6-4.
Ito na ang pangatlong French Open trophy ni Swiatek sa loob ng apat na taon.
Natalo lamang siya ng dalawang beses sa 26 Grand Slam mula ng maging world number 1 ito noong Abril 2022.
Ang 22-anyos na rin na si Swiatek ay siyang pinakabatang babae na nagwagi ng magkakasunod na trophies sa French Open mula ng makuha ito ni Monica Seles noong 1990 hanggang 1992.