-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang posisyon si Sweden Prime Minister Magdalena Andersson.
Ito ay matapos na matalo ang kaniyang centre-left bloc party sa right-wing parties.
Nakakuha lamang ng 173 na seat ang kaniyang partido na Social Democrats kumpara sa 176 na nakuha ng kaniyang katunggali matapos ang halalan noon Linggo.
Inaasahan na bubuo ngayon ng kaniyang gobyerno si Moderate Party leader Ulf Kristersson.
Makukumpirma lamang ang pinal na resulta matapos ang recount na siyang standard na praktis sa Sweden.