-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan ang England matapos makuha ang kauna-unahang kampeonato sa women’s football championship sa Euro 2022 ng talunin ang Germany sa score na 2-1.

Mayroong 87,192 record breaking crowd ang nanood ng laro na ginanap sa Wembley Stadium.

Naitala ni Chloe Kelly ang unang international goal ng Lionesses para talunin ang eight-time winner.

Sa 27 paghaharap ng dalawang koponan ay dalawang beses na tinalo ng Sweden ang Germany.

Tinuturing naman ni midfielder Jill Scott na pagganti sa loob ng 13-taon kung saan kabilang ito sa Sweden ng talunin sila ng Germany ng 6-2 noong 2009.