Hindi obligadong sumailalim sa COVID-19 swab test ang mga indibidwal na pumapasok sa Manila City mula sa ibang lungsod ng National Capital Region.
Ayon kay Manila Public Information Office chief Julius Leonen, hindi mandatory ang swab testing para sa mga naninirahan sa NCR pero nagtatrabaho sa lungsod ng Maynila.
Ang obligadong sumailalim aniya sa RT-PCR test bago payagan makapasok ng Metro Manila ay iyong mula sa ibang probinsya ng bansa.
Sinabi ni Leonen na wala naman aniyang dapat ikabahala rito ang naturang mga indibidwdal sapagkat may alok na libreang COVID-19 swab test ang lungsod.
Nauna nang sinabi ng Manila Health Department na ang mga residenteng muling papasok sa lungsod pagkatapos ng holiday season ay kailangan na sumailalim muna sa COVID-19 swab test para maiwasan ang posibleng hawaan ng sakit.
Kaagad na dadalhin sa quarantine facility ang mga magpopositibo sa COVID-19 swab test, habang iyong mga magnenegatibo naman ay bibigyan ng medical certificates na naglalaman ng resulta.
Hanggang ngayong araw ng Linggo, Enero 3, 2021, ang active cases sa Manila City ay aabot sa 295.