-- Advertisements --

Isang rider ang naaksidente nitong Biyernes ng umaga nang mabangga ng isang SUV sa kanto ng UN Avenue at Quirino Avenue, malapit sa Malacañang Park.

Ayon sa mga saksi, hinihintay ng mga biktima ang ilaw ng trapiko nang humarurot ang SUV dahilan para mabangga sila nito.

Sugatan ang motorcycle taxi at delivery service. Nag-iwan ang malakas na pag-salpok ng mga ilang piyesa ng motorsiklo at SUV.

“May humaharurot po na SUV na di na namin napansin kung ano yung brand. Pero diyan siya, dumirediretso lang. Nabangga niya yung rider tapos huminto lang siya sandali,” aniya ng isang saksi.

Ilang saksi rin ang nag-sabi na nakita ang SUV na papasok sa Malacañang Park matapos ang insidente.

Sinabi ng Manila Police District na iniimbestigahan na nila ang insidente, habang bumisita rin ang mga kinatawan ng Presidential Security Command at nag-alok ng tulong sa biktima, na kasalukuyang nagpapagaling sa isang pribadong ospital sa Maynila.

Wala pang pahayag mula sa pamilya ng biktima o sa PSC hinggil sa naturang insidente.

Ayon kay MPD spokesperson Major Philipp Ines, ”Law applies to all.” ‘Wala raw silang papanigan kahit na miyembro pa ito ng mga awtoridad, ”kung meron siyang paglabag sa batas, dapat ka managot.”