Inihayag ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. na magkakaroon ng pagbabago sa mga isasagawang joint military exercises ng Pilipinas at Estados Unidos.
Aniya, ang susunod na ikakasang joint military drills ng Pilipinas at Amerika ay magkakaroon ng mas maraming “complexity”.
Mas sesentro na kasi aniya ang bilateral exercises ng dalawang bansa maritime activities, hindi katulad noon na sa land-based lang ito naka-focus.
Kung maaalala, nitong Setyembre 2023 ay isinagawa ng Philippine at United States militaries ang kanilang taunang Mutual Defense Board-Security Engagement Board meeting kung saan napagkasunduan ng dalawang sandatahan na magsagawa ng nasa mahigit 500 bilateral engagements sa susunod na taon.
Kinabibilangan ito ng mga pagsasanay, high-level exchanges, security cooperation activities, at strategic vision including maritime security, information sharing, capacity and capability development, at marami pang iba.