-- Advertisements --
Hindi magdedeklara ang Department of Education (DepEd) ng suspensyon ng klase sa gitna ng nakaambang tigil pasada simula sa Lunes, Nobyembre 20.
Subalit, ipinauubaya na ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan ang pagkansela ng mga klase depende sa sitwasyon sa kanilang nasasakupang lugar.
Ginawa ng ahensya ng naturang pahayag matapos na ianunsiyo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang tigil pasada mula Nobyembre 20 hanggang 23.
Ito ay bilang protesta ng grupo sa napipintong deadline ng consolidation requirement sa mga jeepney sa ilalim ng public utility vehicle modernization program ng pamahalaan sa Disyembre 31.