-- Advertisements --
image 337

Nanawagan ngayon ang isang mambabatas na kongreso na suspendihin ang prangkisa ng isa sa kilalang airline company sa Pilipinas dahil umano sa pangit at nakakadismaya nitong serbisyo.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, kailangan suspendihin ng kongreso ang prangkisa nito hanggat hindi nila naibibigay ang kasiya-siyang serbisyo para sa mga publkong mananakay.

Paliwanag pa ng mambabatas na ang isang prangkisa ay hindi dapat gamitin at tangkilikin para sa kapinsalaan ng publiko

Ang panawagan na ito ni Rodriguez ay matapos dulot na rin ng maraming bilang ng mga pasaherong nagrereklamo sa naturang airline company.

Pangunahing inirereklamo ng mga pasahero ay laban sa low-cost carrier para sa overbooking, offloading, at booking glitches nito.

Kung maaalala, sa isinagawang senate hearing noong Miyerkules ay humingi ng paumanhin ang president at chief commercial officer ng naturang airline company sa mga pasaherong naapektuhan ng mga flight delays at cancellation.

Iniugnay nito ang mga disruptions sa mga isyu sa makina at supply chain na kinakaharap ng pandaigdigang industriya ng aviation.

Aniya ang mga epekto nito ay nagsimulang maramdaman ng kanilang kumpanya noong Marso.

Samantala, naniniwala naman si Cong. Rodrigues na palusot lamang ito ng kumpanya at iginiit nito na hindi dapat magdusa ang publiko dahil sa kanilang “inefficiency.”