Patuloy na ipaiiral ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang truck ban until further notice sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila upang magbigay daan sa isinasagawang delivery ng mga cago na may kargang mga medical supplies at essential goods.
Sa kahabaan naman ng EDSA ay magpapatuloy din ang pag suspinde sa uniform light trucks ban na magsisimula mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi habang 6:00 hanggang 10:00 naman at 5:00 hanggang 10:00pm naman ito ipatutupad sa Shaw Boulevard.
Samantala, pinaalalahanan naman ng kagawaran ang mga truck drivers na sumunod sa mga ipinapatupad na mga alituntunin at manatili sa itinalagang lane upang hindi masira at makaabala sa maayos na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Maynila. (Marlene Padiernos)