-- Advertisements --
Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad sa Atlanta ang suspek sa pamamaril na ikinasawi ng isang katao.
Naganap ang insidente sa Northside Hospital Medical sa Midtown, Australia kung saan limang katao rin ang nasugatan.
Ayon kay Atlanta Police Chief Darin Schierbaum na kinilala ang suspek na 24-anyos na si Deion Patterson na tumakas at ninakaw pa ang isang sasakyan matapos ang insidente.
Nasawi sa insidente ang 39-anyos na babae habang ang mga sugatan ay nasa edad 25-71 anyos.