-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isina-ilalim na sa hospital arrest ang suspek sa brutal na pananaga-patay kagahapon sa isang 9-anyos nga batang babae sa Purok 4-A, Brgy. Taligaman nitong lungsod ng Butuan.

Napag-alamang kaagad na dinala sa Butuan Medical Center (BMC) ang 30-anyos na suspek na si Jayward Diez, residente ng naturang lugar matapos nitong sinubukang laslasin ang kanyang leeg, ilang oras matapos ginawa ang karumal-dumal na kremin dakong alas-onse kahapon ng umaga na kumitil sa buhay ng biktimang itinago lamang sa pangalang Inday, residente ng Purok 3 sa nasabi ring barangay.

Matatandaang sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng ama ng biktima na si Almirante Apat na bago siya naglako ng isda ay nalaman niyang papuntang paaralan ang kanyang anak para sa Brigada Pagbasa kungsaan nakauwi pa umano ito sa kanilang bahay at kaagad na nakipaglaro sa iba pang mga bata.

Laking gulat na lamang niya nang sa kanyang pag-uwi ay sinalubong na siya ng karumal-dumal na kremin.