-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa Russia ang isang babae na siyang itinuturong nasa likod umano ng pagpapasabog sa isang cafeteria sa St. Petersburg.

Kinilala ito na si Darya Trepova na siyang nakitang huling may hawak ng bagay na biglang sumabog.

Sinabi nito na wala siyang alam na ang figurine na ibinenta sa kaniya ng isang babae ay sasabog.

Magugunitang patay ang kilalang Russian military blogger na si Vladlen Tatarsky at ikinasugat ng 30 iba pa.