-- Advertisements --
lwx brenton tarrant 160319 70

Naghain na ng guilty plea laban sa 51 charges ng murder ang suspek sa likod ng malagim na pamamaril sa Christchurch, New Zealand noong nakaraang taon.

Inamin din ni Brenton Tarrant, 29, ang tangkang pagpatay sa 40 pang katao at terrorism charge.

Una nang itinanggi ni Tarrant ang mga naturang kaso habang nakatakda naman na muli itong humarap sa korte sa Hunyo.

Nagdulot ng takot sa buong mundo ang naganap na pamamaril sa New Zealand na kumitil sa buhay ng 51 katao. Dahil din sa insidente ay mas lalong pinahigpit ng New Zealand government ang kanilang patakaran sa paggamit ng baril.

Isinagawa ang paghahain ni Tarrant ng guilty plea sa pamamagitan ng scaled-down court hearing sa Christchurch High Court ngayong araw.

Ito ay dahil na rin sa pagpapatupad ng lockdown sa buong bansa kasunod nang hinaharap na coronavirus outbreak ng buong mundo.

“It is regrettable that the Covid-19 restrictions that presently apply do not permit victims and their families to travel to be present in the courtroom when the defendant entered his pleas of guilty,” saad ni Judge Justice Cameron Mander.