-- Advertisements --

NAGA CITY-Dead on the spot ang isang di pa nakikilalang suspek sa loob ng sementeryo sa Tayabas City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang natutulog ang naka-duty na caretaker at biktima na kinilalang si Christian Luce Gallos, 23-anyos, residente ng Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City, sa lugar kung saan nagpapatuloy ang konstruksyon ng isang musoleo sa loob ng naturang sementeryo, nang magising ito kung saan aktwal nitong nakita na ninanakaw ang isang speed cutter at isang mixer motor ng mga suspek.

Isa sa kanila ang hinampas at binaril ng air gun si Gallos sa ulo, pero nilabanan ito ng biktima at kanyang nasaksak ang suspek.

Agad naman na binawian ng buhay ang suspek habang tumakas naman ang mga kasamahan nito.

Dahil sa mga natamong pinsala, agad naman na dinala ang biktima sa ospital para sa agarang lunas.

Sa ngayon, patuoy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nabanggit na insidente.