-- Advertisements --
ILOILO CITY – Sinampahan na ng kasong murder ang lalaki na pumatay sa kanyang menor de edad na kasintahan sa San Nicolas, Buenavista Guimaras.
Ang biktima ay si alyas Marie, 17 anyos, residente ng bayan ng Nueva Valencia, Guimaras.
Ang suspek naman ay si Alexander Canonigo, 21, residente ng San Nicolas, Buenavista, Guimaras.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Police Corporal Freddie Jallores, imbestigador ng Buenavista Municipal Police Station, sinabi nito na ang kaso ang sinampa mismo ng pamilya ng biktima.
Matandaan na sinakal-patay, isinilid sa sako at inilibing ng suspek ang biktima sa liblib na lugar matapos na nakipaghiwalay ito sa kanya.