DAGUPAN CITY – Matapos ang matagal na pagtatago, nadakip ang isang 26-anyos na lalaki matapos umanong manggahasa ng menor de edad na kapitbahay sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Jackson Garcia, residente sa nasabing lungsod.

Naisampa ang kaso noong Nobyembre ng nakaraang taon.

May nagbigay ng impormasyon sa mga otoridad sa kinaroroonan ng akusado.

Mariin namang itinanggi ng akusado ang ibinibintang na kremin.

Giit niya na kasintahan niya ang biktima at walang nangyari sa kanilang dalawa.