-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang suspected courier ng war materials ng Guerilla Front 68 ng CPP-NPA habang isinilbi ang warrant of arrest ukol sa high profile cases na naka-pending sa magkaibang korte sa Bukidnon.

Lumalabas na bigla umanong namaril ang suspek na si Richard Munday, legal na edad at residente lugar gamit ang home-made shotgun kay Police Auxiliary Unit members Ricky Ped-ac at Cris Pialan subalit hindi nakatama dahilan na nang-agaw ng M-16 rifle sa bayan Talakag,Bukidnon.

Inihahyag ni Talakag Police Station commander Capt. Dominador Orate Jr na nagkahabulan sa taniman ng mais ang mga ito.

Subalit naputukan pala ang katawan ng suspek kaya nanghina ito hanggang sa tuluyang binawian ng buhay.

Narekober mula sa suspek ang baril at ang ilang eksplosibo na pinaniniwalaang pagmay-ari ng mga rebelde sa lugar.

Samantala, naaresto naman ng police at military operations ang maybahay ng isang aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) na pagsilbihan sana ng search warrant sa Purok 4,Barangay Looc,Salay,Misamis Oriental.

Inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Capt Frank Sabud na hindi naabutan ng dalawang puwersa ang target person na si Urcyril Dava Jabagat dahil sa tambak na high profile criminal cases nang isinilbi ang utos ng korte.

Naabutan ng pulisya at militar ang maybahay nito na si Marish Jabagat kung saan tumambad sa kanila ang kagamitang pangdigma ng mga rebelde.

Natuklasan na maliban na kapwa umano NPA members ang mag-asawa ay may pending cases ito na kidnapping, destructive arson at illegal possesion of firearms na nakasalang sa sa magkaibang korte dito sa rehiyon.