VIGAN CITY – Pinatitiyak ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) sa Singaporean government na hindi makakatas o makakalabas ng kanilang estado ang driver ng sasakyan na nakapatay sa dalawang overseas Filipino worker (OFW) matapos mabangga kamakailan.
Ito’y kasunod ng ulat nakapaghain ng piyansa ang senior citizen na driver ng nasabing sasakyan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan,sinabi ni OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac na nangako ang pamahalaan ng Singapore sa pagtulong para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 2 sa 6 na biktima ng nasabing aksidente.
Nasa kamay na umano ng Singaporean government ang pagtitiyak na available sa kahit anong oras ang nasabing driver kung sakali mang kailanganin ito sa korte para sa paglilitis ng kaniyang kaso.