-- Advertisements --

Lumabas sa isinagawang survey ng isang political consultancy firm na karamihan sa mga Pilipino ang satisfied umano sa mga hakbang na ginagawa ng Office of the President (OP) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para labanan ang coronavirus diseas sa bansa.

Ang PAHAYAG End-of-the-Year survey ay isinagawa ng PUBLiCUS Asia, Inc. noong Disyembre 3-9 at inilabas noong Disyembre 22.

Nabatid dito na ang OP at IAT-EID ang nakakuha ng unang pwesyo sa listahan ng mga ahensya ng gobyerno na may magandang nagawa kontra COVID-19.

Nakuha ng mga ito ang pinakamataas na approval scores na 67.8 percent at 62.667 percent.

Ito lang din ang natatanging opisina ng gobyerno na nakatanggap ng approval ratings na lalagpas sa 60 porsiyento.

Ang iba pang national agencies na nakakuha ng mataas na approval ay ang Department of Science and Technology (DOST) na may 56.7 percent; Department of Social Welfare and Development (DSWD) 56.533 percent; Department of Health (DOH) 54.2 percent; Department of Labor and Employemnt (DOLE) 54.067 percent, at local government na may 52.933 percent; ang Presidential Communications Operations Office na may 51.467 percent at Department of Agriculture (DA) 51.33 percent.

Nakakuha naman ang Department of Transportation (DOT) ng 50.933 percent; Department of Tourism (DOT) 50.866 percent; at Department of Information and Communications Technology (DICT) 50.133 percent.

Samantala, ang Office of the Vice President (OVP) naman ang nakakuha ng pinakamababang total approval score na 41 percent batay sa survey.