Magkakasa ng isang surprise inspection ang Land Transportation Office sa National Capital Region pagkatapos ng Holy Week break.
Ito ay sa gitna ng inaasahang buhos ng mga pasaherong magbabalik sa Metro Manila pagkatapos ng mahabang long-weekend noong panahon ng Semana Santa.
Ayon kay LTO National Capital Region West director Roque Verzosa III, inatasan na niya ang lahat ng kaniyang mga tauhan na magsagawa ng “Oplan Isnabero” mula Abril 11 hanggang Abril 14 alinsunod sa Regional Office Order No. 54 na nalagdaan noong Marso 22. na tatarget sa mga taxi drivers na mapili pagdating sa pagsasakay ng mga pasahero.
Itatalaga aniya ang mga LTO enforcers sa mga bus terminals sa mga lungsod ng Maynila, Pasay, Makati, Caloocan, Malabon, Navotas, Muntinlupa, at Las Piñas upang tiyain na pagmumultahin ang mga tsuper na mamimili ng mga pasahero.
Ang sinumang mapatunayan na tumatanggi sa mga pasahero na ay mahaharap sa kaukulang kaparusahan at pagmumultahin din mula Php5,000 hanggang Php15,000 at babawian din ng Certificate of Public Conveyance.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ng kagawaran sa publiko na agad na ireprt sa kanilang tanggapan ang anumang uri ng insidente ng pang a-abuso ng mga public utility vehicle drivers para sa agarang aksyon.