BUTUAN CITY – Ginulabog ng malakas ng lindol ang bayan ng Burgos, Surigao Del Norte.

Sa nakuhang impormasyon galing sa Philvolcs, natala ang 6.2 magnitude na lindol alas 11:O6 Biyernes ng gabi sa 41 kilometro sa Silangan sa nasabing bayan.

Nasa 41 kilometers ng silangan ang epicenter nito na may lalim itong 16 kilometro at tectonic ang origin.

Nararamdaman naman ang Intensity 5 sa Burgos, Surigao del Norte; Surigao City; Dinagat Island at Intensity 4 sa Butuan City; Abuyog, Leyte, Hinunangan, San Francisco, San Ricardo, Tacloban City, Southern Leyte habang Intensity 2 sa Camiguin Island.

Sa Instrumental Intensities naitala ang Intensity 3 sa Palo, Leyte; Borongan City; Cebu City; Gingoog City at Intensity II – Argao City habang Intensity I – Alabel, Sarangani: Cagayan De Oro City; Cebu City; San Francisco, Cebu; Ormoc City.

Wala umanong aasahang pinsala sa nasbaing pagyanig ngunit may aftershocks.