-- Advertisements --

LA UNION – Pansamantalang suspendido simula ngayong hapon ang surfing competition ng South East Asian (SEA) Games dahil sa masamang lagay ng panahon sa San Juan, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa organizing competition ng palaro, posibleng maipagpatuloy ang naturang paligsahan sa araw ng Miyerkules o depende sa kalagayan ng panahon dahil sa paparating na Bagyong Tisoy.

Sa ngayon ay hindi rin umano maganda ang paghampas ng mga naglalakihan alon at maaaring malagay sa kapahamakan ang mga manlalaro kung itutuloy ito.

Samantala, ipinagbawal na rin ng pambayang pamahalaan ng San Juan ang anumang recreational activities o pagligo sa dalapampasigan simula mamayang alas-6:00 ng gabi upang makaiwas sa sakuna hanggat hindi umaayos ang lagay ng panahon.