Inilabas na ng Supreme Court Office of The 2023 Bar Chair ang ilang mga gabay na dapat sundin sa pagsasagawa ng Digitalized Bar Examinations.
Ito’y bahagi pa rin ng pagsusumikap ng Korte Suprema na maging modernize at permanenteng gawing digitalize ang lahat ng Bar Examinations sa Pilipinas.
Ang naturang mga guidelines ay nakapaloob sa inilabas na BAR Bulletin No. 5 series of 2023.
Kinakailangan ring magkaroon o magdala ang mga examinees ng kani-kanilang laptop na Wi-Fi enable, built in ang keyboard, dapat gumagana ang trackpad, may integrated display monitor at sufficient battery.
Hindi naman pahihintulutan ang pagdadala ng Smartphones, iOS devices, at tablets sa venue ng examination.
Ito at ang iba pang panuntunan ay nakapaloob mismo sa naturang BAR Bulletin no. 5
Ang naturang Bulletin ay pirmado mismo ni Associate Justice Ramon Paul Hernando chairman ng 2023 Bar Examinations