-- Advertisements --
supreme court 1

Inihayag ng Korte Suprema na ang mga bagong aplikante para sa 2023 Bar exams ay maaaring nang magsumite ng kanilang mga application form mula January 8, hanggang April 30 sa susunod na taon.

Ayon kay Associate Justice Ramon Paul Hernando — 2023 Bar exams chairperson, ang mga naunang kumuha at nagre-refresh naman ay maaaring magsumite ng kanilang dokumento mula May 1, 2023 hanggang July 8, 2023.

Kung maaalala, naglabas na ang Korte Suprema ng pahayag, na ang 2023 Bar examination ay muling gagawing computerized at localized na may bawas na bilang ng mga araw mula apat hanggang tatlong set lamang sa mas maagang petsa.

Ang digitalization at localization ng pagsusulit ay ipinatupad bilang bahagi ng mga protocol sa kaligtasan at mga paghihigpit sa paglalakbay dahil sa COVID-19.

Una rito, ang bilang ng mga araw ng pagsusulit ay binawasan mula apat hanggang tatlo na September 17, 20 at 24 sa susunod na taon.

Top