-- Advertisements --
IMG 20190726 105631

Hiniling ngayon sa Department of Justice (DoJ) ng isang grupong sumusuporta kay Vice President Leni Robredo na agad ibasura ang mga kasong isinampa sa pangalawang pangulo dahil sa umano’y papel nito sa destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Partikular dito ang lumabas na “Ang Totoong Narco-list” video na nagdadawit sa pangulo at ng kanyang pamilya sa illegal drug trade.

Ayon kay Bianca Lacaba, tagapagsalita ng Team Pilipinas na sumuporta sa “Otso Diretso” noong halalan, insulto raw sa demokrasya ng bansa ang pagsasampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng mga bogus na alegasyon sa bise presidente at ang paggamit ng kuwestiyonableng testigo.

Una rito, noong May 6, 2019 ay lumutang si Peter Joemel Advincula na nagpakilalang si Bikoy na nasa likod ng naturang video.

Pinanindigan noon ni Advincula na sangkot si Duterte sa illegal drug trade pero kalaunan ay kumambiyo ito sa kanyang statement at idinawit ang mga taga-oposisyon na siyang nasa likod ng umano’y destabilization plot laban sa pangulo.

Bago bumaliktad ng testimonya si alyas Bikoy ay kinuwestiyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang kredibilidad ni Advincula dahil sa mga kinasangkutang kaso noong 2012.

Sinabi noon ni Panelo na “you lie in one, you lie in all.”

Pareho rin umano ngayon ang posisyon ng grupo sa naging posisyon noon ni Panelo kayat hinimok nila ang DoJ na agad ibasura ang sedition charges laban kay Robredo.

Naniniwala rin ang grupo na tungkulin nilang protektahan at i-demand na manatiling bise presidente si Robredo hanggang matapos ang kanyang termino sa 2022.

“President Leni Robredo
Dear Justice Secretary Menardo I. Guevarra, On July 19, 2019, the Philippine National Police (PNP) recommended the filing of sedition charges against Vice President Leni Robredo on the basis of her alleged involvement in a destabilisation plot against President Rodrigo Duterte. As Filipino citizens who have a right and duty to protect our votes, we implore you to dismiss these charges as they are baseless and just another attempt to silence opposition against the administration. On May 6, 2019, Peter Joemel Advincula, known as “Bikoy,” surfaced and identified himself as the man behind the “Ang Totoong Narcolist,” a series of videos alleging the involvement of the President and the First Family as members of drug syndicates in the country. The next day, presidential spokesperson Salvador Panelo quickly dismissed Bikoy’s credibility, given his involvements in previous controversies dating back to 2012. In Panelo’s words, Bikoy’s credibility is questionable because once “You lie in one, you lie in all.” This is the same man now claiming to have worked with VP Leni in the alleged destabilisation plot. It is appalling how suddenly, Bikoy’s words have credibility only because it is now against those who dissent against the administration.
We believe that it is our duty to demand that Vice President Leni should remain as our vice president until 2022, as duly mandated by the Constitution and the Filipino people through their votes. To prosecute her and remove her from her position based on bogus allegations from a questionable witness is a clear violation of the mandate of the people, and an outright insult to our democracy.
We urge the Department of Justice to immediately dismiss the Sedition Charges against Vice President Leni Robredo and commit to the upholding of her constitutional mandate to serve the Filipinos,” ayon sa grupo.