VIGAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa umano’y pambabanta sa taga-suporta ng isang kandidato sa pagka-alkalde sa Dolores, Abra.

Batay sa ulat, pinaulanan ng bala ang bahay ni Edito Espiritu na kilalang supporter ni incumbent Gov. Joy Valera Bernos.

Naniniwala ang biktima na mga tauhan ng kalaban ni Bernos na si Engr. Conde Turqueza ang nasa likod ng pananambang.

Sa kabila nito, wala namang nasugatan sa insidente.

Nabatid na pagmamay-ari ng isang kilalang pulitiko sa naturang bayan ang lupang kinatitirikan ng bahay ni Espiritu.