-- Advertisements --
Ibababa sa 48 cubic meters per second (CMS) ang alokasyon ng tubig para sa domestic use sa Metro Manila kung ang Angat Dam ay umabot sa 180 meters minimum operating level nito, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).
Sa isang pahayag, sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na nagpasya silang babaan ang alokasyon ng tubig dahil sa antas ng naturang dam.
Aniya, ito ay maaaring hanggang 20 CMS hanggang sa katapusan ng Hulyo.
Ang nasabing alokasyon ay susuriin pa rin batay sa pag-unlad at kasalukuyang antas ng Angat dam.
Sa pinakahuling tala ng NWRB, nasa 180.89 meters na ang lebel ng tubig sa Dam.
Sa kabilang banda, sinabi ng Maynilad na habang wala pa silang interruptions, maaapektuhan ang supply kung babaan ang alokasyon.