-- Advertisements --

Umapela si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro sa national government na ibigay na sa mga local government units ang mga COVID-19 vaccine doses na gagamitin para sa pediatric vaccination.

Ayon kay Teodoro, naghahanda na ang Marikina City government para sa pagbakuna ng mga edad 12 hanggang 17 na mayroong comorbidities.

Oktubre 15 nang sinimulan ng Pilipinas ang pagbabakuna sa mga menor de edad.

Ang pilot pediatric COVID-19 vaccination ay hinati sa dalawang phases: una, ang mga 15 hanggang 17; pangalawa naman ang mga edad 12 hanggang 14.

Walong ospital lamang ang naunang napili para sa aktibidad na ito, pero dinadagan ito ng 13 iba pa sa ngayon.