-- Advertisements --
Wala ng magiling na tubo at wala ng panggatong sa refinery ngayong Mayo, kaya inaasahan na sa katapusan ng Agosto, ay kakapusin sa supply ng lokal at imported na asukal ang bansa, ayon yan sa Sugar Regulatory Administration.
Sa Hunyo pa inaasahan ng Sugar Regulatory Administration na matatapos ang milling season pero ngayon pa lang ay malinaw na sa Sugar Regulatory Administration na kukulangin sa supply ng asukal ang bansa.
Kaya naman inaasahan na bababa ng 100,000 metric tons ang production ng asukal, rason kaya mas kinakailangan mapadali ang planong pag-aangkat ng 150,000 metric tons ng asukal.
Samantala, susunod na linggo planong ilabas ng Sugar Regulatory Administration ang bagong sugar order at pararatingin ito bago mag september 15.