CAGAYAN DE ORO CITY – Kasalukuyang inilunsad ng local health workers ang ‘supplemental immunization’ para sa mga bata nag-edad zero to 59 months old at higit 10 taong mga bata sa bayan ng Balo-i,Lanao del Norte.
Pagtugon ito ng Department of Health 10 sa pamamagitan ng Regional Epidemiology Surveillance and Disaster Response Unit (RESDRU) sa pagtama ng ‘measles outbreak’ sa nabanggit na bayan.
Sinabi sa Bombo Radyo ni DoH’s -10 RESDRU head Jasper Kent Ola na layunin ng supplemental immunization ay paraan pagpigil na madagdagan pa ang halos 40 na residente na nahawaan ng tigdas.
Inihayag ni Ola pinapa-locate sa kanila ang active cases kahit lagnat at pangangati lang ang iniindan ng mga tao para tuluyan nang masupil ang paglaganap ng sakit.
Bagamat walang namatay sa 38 na biktima ng tigdas subalit target ng ahensiya na hindi na makapagtala ng karagdagang mga kaso sa loob ng isang buwan upang tuluyan nang mailis ang outbreak declaration ng lokalidad.