-- Advertisements --

CEBU CITY – Inilabas na ngayong araw, Setyembre 5, ni Cebu City Mayor Mike Rama ang Executive Order No. 6, s.2022 bilang pandagdag sa mga probisyon ng EO No 5 upang maging kwalipikado ito kaugnay sa non-obligatory na paggamit ng mga face mask sa mga open spaces nitong lungsod ng Cebu.

Nilagdaan ang nasabing kautusan ni Rama kaninang umaga kasunod ng isinagawang flag-raising ceremony.

Naniniwala pa ang lungsod na ang aktibong pakikilahok ng mga tao sa mga hakbang ng pangangalaga at proteksyon sa sarili ang pinakapraktikal na paraan tungo sa new normal.

Napanatili din umano nito ang mababang hawaan ng COVID-19 infection mula ng isinailalim ang lungsod sa Alert level 1 hanggang sa kasalukuyan at nagawa pang ibalik ang ekonomiya sa lokalidad.

Samantala, epektibo ang nasabing EO mula Septyembre 1 hanggang sa katapusan ng taon o sa Disyembre 31 at maari lang tanggalin kapag nakitaan ng pagtaas sa kaso ng COVID-19.