-- Advertisements --

Tiniyak ng National Irrigation Administration na nananatiling sapat ang suplay ng tubig sa mga iriagasyon at sakahan sa buong Pilipinas.

Ito nga sa kabila ng epekto ng nararanasang El Niño phenomenon sa ating bansa.

Ayon kay NIA Acting Administration Eduardo Guillen, sa ngayon ay nakapaghanda na sila kasama ang kanilang mga parther agencies ang mga measures ukol dito alinsunod na rin sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasabay nito ay nagpahayag din ng kumpiyansa ang naturang opisyal na tataas ang anihan sa mga sakahan sa bansa sa kabila ng matinding init ng panahon.

Samantala, kaugnay nito ay iniulat din ng opisyal na sa ngayon ay nagsasagawa na rin aniya sila ng mga pagsasanay para sa Alternate Wetting and Drying technique para sa layuning madagdagan pa ang mga lugar na kanilang mapapatubigan.

Ang Alternate Wetting and Drying technique ay isa sa mga water-saving technologies na ginagamit ng Department of Agriculture para tulungan ang mga magsasaka na bawasan pa ang water consumption sa mga irrigated fields ng mga ito.