-- Advertisements --
Mahigit 65,000 na mga residente ng Shelby County, Tennessee ang walang suplay ng tubig dahil sa nararanasang winter storm.
Ayon kay Memphis Mayor Jim Strickland, naapektuhan ang water pressure ng winter storm.
Paliwanag naman ng Memphis Light, Gas and Water (MLGW) na dahil sa labis na lamig at kawalan ng suplay ng kuryente ay nawawalan sila ng sapat na suplay ng tubig.
Tiniyak din ng kumpanya na gagawin nila ang lahat ng makakaya para maibalik na ang suplay ng tubig.