-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mayroong sapat na suplay ng manok sa bansa.
Ito ay matapos ang magkakasunod na importation ban mula sa iba’t-ibang bansa dahil sa banta ng birds flu.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na naagapan ng gobyerno ang posibilidad ng pagkakaroon ng bird flu outbreak sa bansa at hindi ito gaano naging problema kumpara sa African swine feverl.
Magugunitang pinakahuling bansa ang pinagbawalang tumanggap ng mga karne ng manok ay sa Japan dahil sa pananalasa ng bird flu doon.