-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sapat ang suplay ng koryente sa Mindanao ngayong taong 2020

Ito ang kinumpirma ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCG) Southern Mindanao, Regional Communications and Public Affairs Officer Michael Ligalig.

Ang pahayag ni Ligalig ay kasabay ng nararanasang lindol sa ilang bahagi ng Mindanao noong Oktubre at Disyembre maging ang mga nararamdamang aftershocks.

Kahit nagbabago ang demand at suplay ng koryente araw-araw, subalit sa ngayon base sa kanilang power outlook ay walang kakulangan daw sa power supply.

Sinabi ni Ligalig na ang Mindanao ay kumukuha ng supply ng kuoyente sa hydro, at malaking porsyento rito ay mula sa Agus 1 ang pinagkukunang source ng enerhiya.

Maliban dito ay may mga Independent Power Producer (IPP) din ang Mindanao kaya walang dapat ipangamba ang publiko sa posibleng brown-out dala ng kakulangan sa supply ng koryente.

Nananawagan naman ang opisyal sa publiko na iwasang gumawa ng anumang posibleng ikasira ng mga power utilities.