Ginarantiya ng Philippine Fisheries Development Authority na lahat ng opisina at pantalan nito ay malinis kasabay nang isinagawang monthly general cleaning ng Navotas Fish Port Complex.
Ipinagpapatuloy naman nito ang pagsasagawa ng “intensive disinfection activities” para paigtingin pa ang laban sa coronavirus disease.
Ang PFDA sa Navotas Fish Port Complex ay nagsagawa ng monthly general cleaning noong Sabado para tiyakin ang pagiging ligtas ng pasilidad.
Ipagpapatuloy din nito ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng limitadong mga kawani ng opisina para hindi maudlot ang paghahatid nito ng serbisyo at operaston para sa mga stakeholders.
Sa isinagawang disinfection, pansamantalang itinigil ang operasyon ng palengke partikular na ang night trading, subalit tiniyak ng pamunuan nito na hindi magiging apektado ang presyo at suplay ng mga bilihin dahil sa pagsasara ng palengke.
Dahil naman sa African Swine Fever outbreak sa Pilipinas ay hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) ang pagkain ng protein alternatives tulad ng isda.