-- Advertisements --
image 300

Dumating na sa bansa ang mga sibuyas na inangkat kamakailan ng gobyerno ng Pilipinas, ayon sa Bureau of Plant Industry.

Sa pagdami ng supply ngayong huling bahagi ng January, marami ang umaasa na bababa na ang presyo ng sibuyas.

Umaasa ang ilan na malapit nang mangyari ang pahayag ng Department of Agriculture na bababa sa P80 kada kilo ang presyo ng sibuyas.

Gayunpaman, wala pa sa mga pamilihan ang mga inangkat na sibuyas dahil sumasailalim pa ito sa masusing inspeksyon.

Kung matatandaan, umabot ang presyo ng sibuyas sa P700-P800 kada kilo nito sa ilang pamilihan sa Metro Manila pati sa iba’t ibang lugar ng ating bansa.