LAOAG CITY – Kinumpirma ni Mrs. Edna Orcino, ang Administrator ng Red Cross – Ilocos Norte Chapter na marami pa ang suplay ng dugo sa lalawigan.
Pahayag ito ni Orcino matapos ang panawagan ng Department of Health (DOH) na magsagawa pa ng mas maraming blood donations activities dahil kulang na umano ang suplay ng dugo sa NCR.
Ayon kay Orcino, noong Disyembre 2021 ay marami ang nakolekta na dugo at sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin sila sa ibang blood service facilities para masiguro na magagamit ang lahat ng stock para walang masayang.
Sinabi rin nito na plano nilang magbigay sa National Capital Region (NCR) ng dugo para matulungan ang mga nangangailangan lalo’t kinukulang ang dugo sa rehiyon.
Samantala, sinabi nito na ngayong buwan ng Enero ay walang masyadong naisagawa ng bloodletting activities, posible na sa susunod na buwan ay hindi nila masiguro ang suplay.
Ganunpaman, may plano naman silang mag-imbita ng mga indibiduwal na mag-donate ng dugo kung walang maisasagawang community blood donations.