-- Advertisements --
image 552

Inihayag ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na hindi makakaapekto sa suplay ng asukal ang sunog na nangyari sa warehouse ng pinakamalaking refined sugar producer sa Pilipinas.

Ito ay ang Victorias milling company na nakabase sa Victorias city, Negros Occidental na natupok ng sunog noong gabi ng linggo.

Ayon kay Administrator Pablo Luis Azcona, na bumisita sa naturang mill site, mayroong minimal na epekto sa suplay ng asukal ang nangyaring sunog at inaasahan na hindi ito makakaapekto sa nakatakdang pagsisimula ng milling operation nito para sa crop year 2023-2024 sa Setyembre 1 at pagsisimula ng pagtanggap ng mga tubo sa Agosto 30.

Sa ngayon patuloy ang pag-assess ng pamunuan ng sugar milling company sa pinsala ng sunog.

Patuloy din ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog. Sa kabutihang palad, walang naitalang nasaktan mula sa insidente.